Saturday, November 15, 2014

Connection


CHAPTER I - MEETING -
_vhanfire
            Halos unang lingo ng pasukan nang una kitang makita. Dali-dali mo noong nilikom ang payong mo pagkasampa sa jeep byaheng KLL (Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa). Napatingin ako sa iyo nang maupo ka sa tapat ko at daig mo pa ako kung makapang-snob ka ha, gwapo ka?, well inaamin ko, cute ka.
            Noong hapong iyon sa byahe, wala kang ginawa ku’di tumango na parang salaginto. Hindi ko alam kung ano ang ibinubulong sa iyo ng headset mo.
            “Hui bhe tinatanong kita!” “tek, nawala ako sa ulirat, nakalimutan kong katabi ko nga pala si Jeffrey ang boyfriend ko.
            “Ah, ano ba ‘yon bhe, lakas kasi ng ulan ‘di ko narinig ang sinabi mo.” Sagot ko sa kanya. Ang totoo ‘di ko talaga narinig ang sinabi n’ya pero hindi naman ang ulan ang malakas kun’di ang kabog ng dibdib ko, ewan ko ba kung bakit.
            Hindi ko alam kung bakit napapasulyap ako sa iyo maya’t-maya hanggang sa napansin mo ako at inirapan kita. Hahaha ako pa talaga ang may ganang magtaray, ganti lang ‘yon sa pang-snob mo kanina.
            Ikaw pala si Rai Okimoto, may lahing Japanese at laging nakikick-out sa mga universities na pinagtatransferan mo. Ano naman kayang masamang hangin ang nagdala sa iyo rito sa pampublikong kolehiyo. Hindi ko alam ang nangyari sa sarili ko pero parang gusto ko pang magrequest na palagumin mo pa ang iyong self introduction sa unahan ng klase. Transferee kasi s’ya kaya kailangang makilala s’ya ng mga kaklase ko.(ng mga kaklase ko lang kasi feeling ko, magkakilala na kami nang mga panahong ‘yon kahit ‘yon ang unang pagkakataong marinig ko ang boses n’ya.)
            Mula sa kinauupuan ko kitang-kita ko kung paano s’ya habulin ng malalagkit na tingin ng tres marias. Actually limasilang magbabarkada at 3 sa kanila Marry ang name kaya tres marias sila. Sinundan nila ng tingin si Rai hanggang sa maupo s’ya sa tabi ko. Dug...dug...dug..dug...,’tek, ano ba ‘tong tambol sa dibdib ko?
            “Pwede ako rito sa tabi mo? “Tanong mo tapos ngumiti ka, yung ngiting alam mong hindi kayang taggihan ng kahit na sinong babae. Tatanggi sana ako pero sa ngiti mo, isang buntong hininga ,dalawang lagok sa tuyong lalamunan at talong tango lang ang nagawa ko. 5 oras ang magkasunod na klase at wala akong naintindihan kahit katititng Wala akong natandaang assignment, research work o kahit jokes na ibinato ng mga professors.

            Naglalakad ako pababa ng hagdan nang may nakita akong nakasimangot sa akin. Sinundan ko s’ya na parang wala ako sa ulirat at sa isang hindi pamilyar na lugar ako napadpad. Ano ba naman gayuma d’yan sa nakasimangot na mukha ng anime na nasa bag ni Rai ang taglay n’ya at napasunod ako hanggang dito sa isang opisina. Kumatok si Rai sa pinto at napansin n’ya ako, lagot.
“ba’t ka nandito, kasali ka ba sa CHORDS?”
“Ah...ah...hindi, nako hindi!” Nakaktaranta naman ang tanong n’ya.
“Eh ba’t ka nandito, mag-aapply ka rin?”
“S...S...Sana” pagkasabi nito’y napatungo na ako. Biglang bumukas ang pinto at pinapasok kami ni Rai sa opisina. Bigla tuloy akong napasubo ng dahil dito sa lalaking ‘to. Nag-auddition sa Rai sa CHORDS, isang org sa school na katatatag lang at kinabibilangan ng mga taong may hilig at talento sa musika, in short, yari ako nito. :Z
“O sige Rai maaari ka nang tumugtog.”
“Pwede ba akong humiram ng gitara?, ‘Di ko kasi dala ‘yong sa akin eh.”
“Sige, Boy Ludis...” tinawag ni kuyang cute ‘yong isang lalaking nakahead set at hiniram ang gitara nito at inabot kay Rai. Nag-stram na si Rai at natahimik ang k’warto. Ako naman, rinding-rindi sa tambol na tumutugtog sa dibdib ko na parang sumasaliw sa paggigitara ni Rai.
“Bakit ngayon ka lang?
Bakit ngayon kung kelan ang aking puso’y mayr’on nang laman?”
            Gosh ano itong kakaibang pakiramdam ko, parang nadadala ako sa kagwapuhan ng boses n’ya, parang gusto ko s’yang sabayan sa kanta.
“Sana’y nalaman ko,
Na darating ka sa buhay ko, ‘di sana’y naghintay ako...”
“(ikaw sana ang aking yakap-yakap,
Ang iyong kamay ang aking laging hawak)”
“At hindi kanya”
“(At hindi kanya)”
“Bakit ngayon ka lang, Dumating sa buhay ko?”
“(dumating sa buhay ko)”
“Pilit binubuksan”
“(pilit binubuksan)”
“ ang sarado ko nang puso”
“(ang aking puso)”
“Ikaw ba ay nararapat sa akin”
“(nararapat sa akin)”
“At s’ya ba..”
“(at s’ya ba’y)”
“Dapat ko nang limutin”
“(Dapat limutin)”
“Nais kongmalaman...”
“(nais malaman)”
”Bakit ngayon ka lang”
“(ba’t ngayon lang)”
“(Dumating.....HHHmmmm....)”
                                    ***Ang line ng kanta na may “(...)” ay kay Shaira***
Nagpalakpakan ang mga nasa kwarto at naputol ang kanta namin. Before I knew it, nakipag-duet na pala ako kay Rai na hindi ko namamalayan. SHOCKS nakakahiya!!!
Nakatitig lang si Rai sa akin noon habang ako’;y hindi ko malaman kung ngingiti o mahihiya.
“You two are perfect.” Sabi ni Regie
“Tama, tama and I think we have two new members here now.”Pagdudugtong ni Nathalie.
“So Rai and Shaira welcome sa CHORDS”  at nagpalakpakan sila, masigabong palakpakan.:)
......PAGKATAPOS NG KLASE NANG ARAW NA ‘YON......
"Bhe bakit ‘di mo sinabi sa akin na nag-audition ka sa CHORDS?”
“Ha! Paano mo nalaman?”
“Sus, para namang ‘di ko ka-varsity si Regie ah.”
“Ah kadaldal talaga ng kabarkada mong iyon. Nag-try ako kahapon ‘yon nakapasok naman.”
“Ikaw pa eh sa galing mong iyang kumanta, may kasabay ka raw eh, sino ‘yon?”
“Ah si Rai, classmate ko.”
“So I think may dapat tayong ipag-celebrate mamaya after class.”
            Ganan kasuportive na boyfriend si Jeff. Palagi n’yang ipinararamdam sa akin na magaling ako, na kaya ko ang mga bagay-bagay na pinagdududahan ko kung magagawa ko. Lagi s’yang nand’yan para palakasin ang loob ko kapag natatakot o kinakabahan ako. At tuwing may achievement ako, palagi naming icenecelebrate kahit na napakaliit na bagay lang ito.
            After class, we go for a date ni bf. Kumain kami sa isang pizza parlor sa bayan. I was waiting for him kasi umuorder s’ya sa counter nang makita kong pumasok ng store si Rai. May kasama s’yang isang babaeng taga ibang school kasi iba ang uniform. Siguro girlfriend n’ya. Maganda rin ‘yong girl (maganda “RIN” tulad ko.hahahaha) Siguro mas bata s’ya sa akin, baka 1st o 2nd year college lang s’ya. Teka bakit ko ba kinucompare sa akin ang babaeng ‘yon? All through that date wala akong ibang inisip kung hindi; Sino kaya ang babaeng ‘yon, at kaano-ano kaya s’ya ni Rai? Nakikipag-usap ako s’yempre kay Jeff  para ‘di n’ya mahalata, ‘yong tipong nagtatanong s’ya pero parang pampinoy henyo lang ang sagot ko, puro Oo, Hindi at Ewan lang. Ambad ko tuloy. After almost an hour tumayo na sina Rai at lumabas. S’yempre pasimple ko silang sinundan ng tingin. Medyo nagtagal sila sa labas then may tumigil na kotse  sa tapat nila. Kiniss ni Rai sa noo ‘yong girl tpos sumakay na ang babae sa kotse.at nagwave sila sa isa’t-isa. Parang natunaw ang puso ko sa nakita ko.
            Ano ba Shai wake up, ano ka ba, nasa harap mo ang pinakamamahal mo, bakit ka lumilingon? Hanggang sumapit ang gabi, I was pre-occupied by what I saw. Hay Shaira, Shaira, luka-luka ka talaga. It was almost 2am when i fell asleep.

CHAPTER II - MOVES -

Nakakainis talaga ang pakiramdam na papasok ka sa school nang walang matinong tulog, daig ko pa ang manok na napuyat katitilaok :) meron ba nun? Napatungo ako sa aking relo at nanlaki ang mata ko sa aking nakita, sh*t, 5 mins na pala akong late sa una kong subject. Ang rude pa naman ng prof namin dun. Sana late rin sya... Dali-dali akong nagpunta sa gymnasium kasi alam kong doon kami magkaklase ng P.E (haha P.E. lang pala kung makapag cram naman ako nuh?) Sinipat ko agad ang aking mga kaklase kung nasaang part sila, Nakatayo silang lahat at parang sumasayaw. *Boogs* may bumangga sa likod ko, muntik nang tumalsik pauna ang balikat ko nyet@ng lalaki yon ah bastos. Muntik ko na syang hilahin sa bag pabalik sa akin at bigyan ng mag-asawang sampal pero napatigil ako. Lumingon kasi sya na puno ng worry sa mata. Baka nagworry na nasaktan ako, e ang sakit naman talaga e. Si Rai, haha late din ang bungol, nuh ba naman yan, bat bigla akong napangiti? "O-OK ka lang Shai?" lumapit sya sa akin ng bahagya. A-A-A-Ah Ok lang Rai, di naman ako nasaktan? sagot kong puno ng ngiti, ang cute nya kasi sa puting puti nyang body fit na T Shirt. Para syang bida sa manga na binabasa ko. Sigurado ka ha? At lumapit pa sya ng konti. Naku Rai, isang hakbang mo pa, one more step and you're mine :D hahaha. Syempre sa isip ko lang yan, ano ba tong bumababa sa utak ko, medyo malandi na ata ako sa part na to ah. Oy late na tayo, iniba ko ang topic kasi parang hindi ko magugustuhan ang mga susunod na mangyayari. "Oo nga eh, tara na, terror daw kasi yang prof na yan kaya nagmamadali rin ako, nabangga tuloy kita, Sorry ulit ha. Akin na to ako na magdadala. Kinuha nya ang ilang libro sa bisig ko and sh*t sana mag pause ang lahat sa moment na ito.
Pag lapit namin sa mga classmate namin nagtinginan sila kaya napansin kami ng prof namin. Lanjo naman mga to oh, tuloy lag kayo wg nyo kaming pansinin pleaseeee. "Miss Ramos and Mr. Okimoto, medyo na late ata kayo?" Simpat na simpat ko kung paano tumaas ang kanang kilay ni mam. "Ahh." bago pa man ako makapagsalita, nagsalita na sya "Oh sya, kayo na lang dalawa ang partner kasi settled na lahat ng mga kaklase nyo." What? himala ata at walang sumpong ang matandang-dalagang ito. and WHAT again, kami ni Rai partner? ano ba to, Saan? Narinig ata ni mam ang tanong sa isip ko. "Ang lesson natin ngayong sem ay dancing, kung sino ang partner nyo ngayon, sya na ang partner nyo hanggang finals so kailangang magkapalagayan kayo ng loob." Naghiyawan ang mga kaklase ko pero medyo hindi koito narinig kasi nangibabaw ang sigaw sa dibdib ko. Dub Dub Dub Dub, sorry ha medya maarte ang puso ko hindi dug dug ang sound effects nya :D.
Pag tingin ko kay Rai nakangiti sya sa akin. Yong ngiting nakakatunaw, yong ngiting para kang jelly ace na anytime ay matutumba sa harap nya. Ang sarap ng feeling parang halo-halo. :D "okay class ang unang sayaw na pag aaralan natin ay Latin dance"
All is set, nakahawak na ako sa balikat nya at sya sa sexy kong bewang (swerte naman ng lalaking to) tapos magka-holding hands na kami. Ayyy.. kilig much pero syempre hindi ko pinahahalata kunwari e demure type ako, pa hard to get :P "Bakit ka ba late?" Tanong nya sa akin. habang nakatingin sa kung saan sumagot ako. "Ang dami kasing lamok sa bahay, maingay."
"Ahh.."
"Eh ikaw, bakit late ka rin?"
"Hinanap ko kasi ang mga alaga kong lamok kagabi, nakawala"
Napatingin ako sa mukha nya na parang seryosong-seryoso at napangiti ako. Loko rin pala tong lalaking to.
"Loko ka, so yon palang mga lamok ay sa iyo."
"Oo pinababantayan kita, binantayan ka ba?"
Medj kilig yon, pati lamok ginagamit sa pck up ha "Hindi lang ako binantayan, muntik pa akong papakin"
"Haha Pasaway talaga yong mga yon, yaan mo pagsasabihan ko mamaya"
At umkot lang ang topic namin sa lamok ng buong dalawang oras na yon.
Pagkatapos noon feeling ko may nabuong magandang turingan sa pagitan namin ni Rai. Magkasama kaming pumunta sa opisina ng CHORDS, may practice raw kasi, pero ang totoo mas marami pang kwentuhan kesa sa practice. Ganoon naman talaga di ba?
"Sai kumusta na nga pala si jeff?" tanong ni Regie
"Una Shai ang tawag dapat sa akin hindi Sai, pangalawa hindi ko pa sya nakikita maghapo kaya siguro, sana okkay lang sya."  I told it with my most serious voice para madala si Reg and yes nakita kong medya nabother sya. Nag grin ako at alam kong he got what I mean. Pero asar pa rin ako, itanong ba naman kung kumusta na ang boypren ko sa harap ni Rai, haha medj magulo ang utak ko ah.
"Sino si Jeff?" Tanong ni Rai.
"Boypren ni Shai" Sagot ni Reg
Tiningnan ko si Rai at tila nabigla sya sa nalaman nya. Di ba nakita na naman nya kaming magkasama ni Jeffrey, bakit magugulat pa sya, and besides sa ganda ko ba namang to, kagulat gulat ba kung taken ako? wahaha

WELCOME

This bog contains English articles ( mostly English Poems ) that are original creation of the publisher. Any issue regarding the posts may be raised here